Bad news sa mga motorista, presyo ng produktong petrolyo – tataas na naman!

Manila, Philippines – Halos pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.90 hanggang P1.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina habang P0.70 hanggang P0.80 naman sa diesel.

Asahan din ang P0.80 hanggang P0.90 dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.


Ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Facebook Comments