Manila, Philippines – Pitumpu’t tatlong barangay officials ang sinampahan ngayon ng kaso ng Department of Interior and Local Government sa office of the Ombudsman.
Bunsod na rin ito ng kabiguan na patakbuhin ang kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).
Kasabay nito, hinimok ng DILG ang publiko na huwag iboto ang mga tumatakbong opisyal ng barangay na sangkot sa iligal na droga.
Payo ng kagawaran, huwag nang tumakbo sa posisyon kung natatakot na labanan ang iligal na droga at sa halip, ibigay ang posisyon sa buo ang loob na labanan ito.
Facebook Comments