Bumubuo na ng grading system ang Department of the Interior and Local Government o DILG na magiging batayan sa pangangasiwa sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, sa ilalim ng grading system dapat makakuha ng 50 percent pataas ang mga barangay para masabing matagumpay ang kanilang kampaniya kontra droga.
Pagtitiyak rin ni Diño, magiging katuwang rin nila ang mga Non-Government Organization (NGO) sa pagpapaigting ng mga barangay base rehabilitation.
Sa ilalim ng rehabilitasyon, isasailalim sa treatment ang mga nalulong sa ilegal na droga at i-eenrol sa TESDA.
Facebook Comments