Badyet ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Tinatalakay Na!

Cauayan City, Isabela – Tinatalakay na sa bawat sesyon ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang badyet para maiapasa na ito bago matapos ang taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Atty. Randy Arreola, Board Member ng pangatlong distrito ng Isabela na inumpisahan nang talakayin sa bawat sesyon ang badget ng lalawigan upang malaman ang gagamitin sa susunod na taon.

Aniya kasalukuyan muna ang pagsusuri sa lahat ng budget ng bawat bayan upang makita kung saan rin ito gagamitin.


Samantala unang tinalakay at sinuri umano ang suplemental budget sa panghuling sesyon ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Facebook Comments