Nag-negatibo sa bomba ang iniwang bag sa may bahagi ng Roxas Blvd. Service road malapit sa kanto ng Padre Faura Street sa lungsod ng Maynila.
Alas-6:10 ng umaga ng itawag ng isang concerned citizen ang travelling bag na iniwan sa naturang lugar pero nang suriin ito ng bomb squad ng MPD.
Puro plastic at isang notebook na lang ang laman ng nasabing bag habang isang ginang na nakilalang si Josephine Catama ang lumapit at sinabing siya ang may-ari nito.
Kwento ni Josephine, natutulog siya sa footbridge ng masalisihan at nakuha ang kaniyang bag kung saan sinira ang lock nito at nawawala na ang damit, cellphone at iba pa niyang gamit.
Nabatid na may mga kamag-anak si Josephine sa Bulacan pero aniya, ilang taon na din siyang natutulog sa footbridge.
Matandang dalaga na din si Josephine at dagdag pa nito, matapos mawala ang bag ay una siyang nagtungo sa Gener Headquarters ng MPD sa U.N Avenue pero pinapunta siya sa Ermita Police Station kaya agad niyang nalaman na bag pala niya ang inakalang may bomba na iniwan sa gilid ng kalsada ng Roxas Blvd. Service Road.
Alas-7:45 ng umaga naman ng buksan sa motorista at publiko ang kalsada habang ibinalik naman sa Ermita Police Station si Josephine para sa karagdagang imbestigasyon.