BAG NG PRINCIPAL SA BINALONAN, NINAKAW, SUSPEK, ARESTADO

Arestado ang isang 39-anyos na babae matapos umanong nakawin ang dalawang bag ng school Principal ng Juan G. Macaraeg National High School.

Ayon sa pulisya, nakita ng mga kawani ng paaralan ang suspek na lumabas mula sa opisina ng principal na may dala-dalang mga bag.

Napag-alamang nawawala ang mga bag na naglalaman ng laptop, hard drive, at iba pang mahahalagang gamit na may kabuuang halaga na humigit-kumulang ₱53,000.

Agad na hinabol ang suspek at nahuli sa Barangay Canarvacanan habang ito ay sakay ng jeep.

Itinurn over ng kawani ng paaralan ang suspek sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at tamang proseso ng kaso.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments