BAG-YO! | Bag ng magkaibigang si Vice Ganda at Sandara Park – nakaka-shock daw ang presyo

Manila, Philippines – Talagang kakaiba ang taste ng mag-beshie na sina Sandara Park at Vice Ganda pagdating sa kanilang style o fashion.

Pinag-uusapan kasi ngayon ang bag ng dalawa kung saan masha-shock kayo sa presyo.

Sa pagbisita ni Dara sa Singapore, kapansin-pansin ang kanyang clear vinyl shopping bag mula sa isang high-end French brand (celine).


Ang nasabing bag kasi ay unang lumabas sa Celine’s spring 2018 runway na nagkakahalaga lamang naman ng aabot sa $590 o PHP30,265.

Available lang daw ang bag ni Dara sa isang papular na department store sa Seattle sa Amerika.

agaw pansin naman ang pulang hand bag ni vice ganda dahil isa pala itong totoong lunch box.

Ang hand bag daw ni Vice ay itinuturing ng mga online sellers bilanga “rare” piece” mula sa brand na supreme sa fall-winter collection 2015.

Dahil sa bihira ang ganitong bag, nagkakahalaga na daw ito ngayon ng $621 o PHP32,264.

Facebook Comments