BAGABAG AIRPORT, TARGET NA MULING BUKSAN

Cauayan City – Matapos ang mahabang panahon ng pagkakabinbin ng operasyon, muling isinusulong ang pagbubukas ng Bagabag Airport sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Isa sa mga pangunahing hakbang na isinasaalang-alang ay ang pagpapalawak ng runway upang mapaglandingan ito ng mas malalaking eroplano.

Tinitingnan din ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa mga kalapit-probinsiya tulad ng Ifugao at Quirino upang mapalakas ang regional tourism gamit ang paliparan.

Inaasahan na sa muling pagbubukas ng paliparan, mas mapapalakas ang turismo at mas mapapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya hindi lamang sa Nueva Vizcaya kundi sa buong rehiyon ng Cagayan Valley.

Facebook Comments