BAGAL NG DALOY NG TRAPIKO SA DAGUPAN CITY, RAMDAM PA RIN KAHIT TAPOS NA ANG SEMANA SANTA

Ramdam pa rin sa Dagupan City ang bagal ng daloy ng trapiko kahit tapos na ang mahaba-habang bakasyon nitong nakaraang linggo.
Ayon sa ilang drivers ng jeep sa lungsod, pansin umano nila ang mga nakakasabayan nilang mga pribadong sasakyan at mas nagiging dahilan umano ng kanilang mabagal na pagtakbo.
Bukod dito, dahil bumalik na ang mga klase marami rin ngayon ang mga estudyanteng nagko-commute maging ang mga
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang POSO Personnel na nakadeploy upang magbantay sa lagay ng trapiko ay pansin din umano nila ang bigat ng daloy ngunit kahapon, Lunes ay mas marami umano ang mga pribadong sasakyan na lumabas kumpara sa mga jeep dahil kakaunti ang tao dahil na rin sa holiday kahapon.
Samantala, nakikipag-ugnayan pa ang IFM Dagupan sa POSO Dagupan kung ilan ang estimated na tourist arrivals sa lungsod nitong mga nagdaang holidays.
Facebook Comments