
Nag-umpisa na nga ang tigil pasada sa ilang lugar sa pilipinas pero tuloy pa rin sa pagpasada ng jeep ilang mga lungsod at bayan sa Pangasinan at kahit tuloy pa rin ang byahe ay hindi pa rin mapigilan ng ilang mga pasahero ang kanilang simpatya ukol sa nasabing transportation strike na kasalukuyang nangyayari.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan sa ilang mga pasahero ng jeep pa-Bonuan Gueset, hindi umano nila maisip kung tuluyan na ngang ma-phase out ang mga jeep na siyang kanilang pangunahing sasakyan kapag pupunta ng trabaho o di kaya ay pupunta ng ibang mga bayan dahil bukod sa mas madali itong mahanap o mahagilap dahil sa disenyo nito ay mas mura pa daw ang pamasahe kesa sa mga modernized jeep na lumilibot ngayon.
Dagdag pa nila, pwede naman diumano i-upgrade ang mga jeep na ginagamit ngayon nang hindi naaalis ang orihinal nitong disenyo nang sa gayon ay manatili pa rin ang itsura nitong tradisyunal talaga at pang-pinoy dahil ang jeep umano ay isa sa kilala bilang tatak na pilipinong sasakyan at transportasyon.
Sa ngayon, tuloy ang pasada sa ilang bahagi ng Pangasinan gaya na lamang sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments








