Bagbag Cemetery sa Novaliches, dinadayo na ng mga tao para maglinis ng puntod

Bagamat mangilan-ngilan pa lamang ang taong pumupunta sa Bagbag Cemetery, maghapon nang makikita ang ganitong senaryo para maglinis  ng puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Mcartur Bitun, head Security Officer ng sementeryo, asahan ang dagsa ng tao simula a-30 ng Oktubre pa lamang hanggang a-2 ng Nobyembre.

Noong nakalipas na taon aniya, umabot ng 144,000 katao ang dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.


Sabi pa ni Bitun, pinulong na sila ng QCPD Station 4 para sa ilalatag na seguridad kasama ang pulisya at barangay tanod.

Magdadagdag na rin sila ng mga securiry personnel na ilalatag sa 7 ektaryang sementeryo.

May 98,000 na ang nakalibing dito.

Samantala, hanggang Oktubre 30 na lamang pinapayagan ang mga tao na magpintura at maglinis ng mga puntod.

Sa ngayon, pansin na rin ang ilang magtitinda ng bulaklak  at kandila sa labas ng Bagbag Cemetery.

Facebook Comments