Bagitong pulis, binugbog ng isang opisyal

*General Santos City————— Bugbog ang inabot ng isang bagitong pulis na kinilalang si PO1 Kelvin Seth Lugan, mula sa T’Boli, South Cotabato at nakabasi sa Human Resource and Doctine Development 12.*
*Ayon kay Police Senior Superintendent Leonardo Suan, ang Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office 12 nga sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang nasabing kaso.*
*Hindi namn nito pinangalan ang opisyal nga sinasabing nambugbog kay PO1 Lugan na kasalukuyang nasan ospital pa at nagpapagaling.*

*Sa ngayong restricted muna ang nasabing opsiyal habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon kung ano ang posibleng dahilan nga umabot sa pambubugbog.*

*Siniguro naman ni Col. Suan nga hindi nila palalampasin ang ganoong aksyon ng kahit na sinong opisyal at kapag napatunayang ito ay nagkasala, kakasuha nila ito ang adminsitratibo at kriminal.*


*Inamin naman nito na kadalasan sa mga opisyal ay mainit ang ulo o temperamental dahil na rin sa kanilang trabaho kung kaya’t inaalam pa nila ang totoong dahilan ng pambubugbog.*

*Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang mamaging rekomendasyon ng investigating unit sa magiging status ng opisyal kung asa sinabi nitong isolated case lang ito.*

Facebook Comments