Bagitong pulis, timbog sa pagbebenta ng shabu

Muntinlupa City – Timbog ang isang bagitong pulis matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu nang isagawa ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang buy-bust operation sa Barangay Putatan, Muntinlupa City kagabi.

Kinilala ang naarestong pulis na si Patrolman Leo Valdez nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.

Sa inisyal na ulat ng PNP-IMEG pasado alas dyes ng gabi kagabi nang isagawa nila ang operasyon kung saan nagpanggap na buyer ng shabu ang isang miyembro ng IMEG sa may bahagi ng PNR site Marquez Compound Barangay Putatan, Muntinlupa City.


Nang abutin ng suspek ang isang libong piso mula sa poseur buyer kapalit ng sachet ng shabu dito na inaresto ang pulis ng mga tauhan ng PNP-IMEG.

Narekober sa suspek ang isang libong pisong marked money at apat na transparent heatsealed.

Isinagawa ang operasyon matapos ang mga report na natanggap ng PNP-IMEG kaugnay sa pagkakasangkot ng pulis sa pagbebenta at paggamit ng shabu.

Sa ginawang validation ng PNP si patrolman Valdez ay matagal nang nasasangkot sa transaksyon ng iligal na droga, pumasok sa PNP noong 2007 pero nag-AWOL noong 2014 pero nakabalik sa serbisyo noong 2017 at ngayon ay nakatalaga sa NCRPO.

Batay pa sa informant ng PNP-IMEG at PNP intelligence Group, nakunan din ito ng CCTV na inaamoy o naghithit ng shabu sa pamamagitan ng kanilang mga nakukumpiskang shabu sa mga operasyon.

Sa ngayon nakakulong na ang suspek na pulis sa PNP-IMEG sa Camp Crame at nakatakda nang sampahan ng kaso.

Facebook Comments