Bago at mahusay na concession deal sa Manila Water, asahan sa March 31 – DOJ

Inaasahang lalagdaan ngayong buwan ang bago at maayos na concession agreement sa Manila Water Company Inc.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pagkatapos mapirmahan ang kasunduan sa Manila Water ay isusunod naman ang concession deal sa Maynilad.

Nagpulong na nitong Miyerkules, March 17 ang pamahalaan at mga kinatawan ng Manila Water para plantsahin ang ilang maliliit na detalye ng kasunduan.


Nabatid na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na rebisahin ang water concession deals dahil sa mga maanomalyang probisyon ng lumang kasunduan.

Facebook Comments