BAGO | DILG, nagtalaga ng bagong federalism campaign administrator

Manila, Philippines – Nagtalaga ang Department of the Interior and Local Government ng bagong campaign administrator para sa federalism.

Itinalaga ni officer-in-charge Catalino Cuy si DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya bilang bagong administrator ng department’s Federalism and Constitutional Reform program kapalit ni Assistant Secretary Epimaco Densing III .

Si Malaya ay dating Executive Director ng Federalism Institute ng PDP Laban Model of Philippine Federalism 1.0 at ng Federalism Study Group


Pangunahing magiging trabaho ni Malaya sa unang bahagi ng 2018, sisimulan na ang agresibong kampanya sa iba’t-ibang local government leagues kaugnay ng pagpapalit sa federal system.

Direkta rin siyang makikipag coordinate sa Senado at House of Representatives sa 2018 na nagsimula na rin sa debate sa joint resolution sa panawagan para sa Constitutional Assembly para sa pag amyenda sa Konstitusyon.

Makikipag ugnayan din ito sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at mass media para sa pagpapaliwanag sa publiko sa benepisyo ng federalism.

Si Malaya ay dating Executive Director ng Federalism Institute ng PDP Laban Model of Philippine Federalism 1.0 sa tulong na rin ng Federalism Study Group.

Facebook Comments