Makikipag-usap lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos patungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) kung magpapaliwanag sila kung bakit hindi nila pinuwersa ang mga barko ng China na umalis sa nangyaring standoff sa Panatag Shoal sa West Philippines Sea noong 2012.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang VFA ay nananatiling problema para sa kanya at hindi niya ito tatalakayin kasama ang US hanggang sa makapagbigay sila ng paliwanag hinggil sa sitwasyon noon.
Aniya, nawala ang naturang bahura sa Pilipinas at napunta ang kontrol sa China dahil sa panghihimasok ng Amerika.
Una nang sinabi ng Malacañang na bigyan ng karagdagang panahon si Pangulong Duterte sa pagpapasya ukol sa VFA.
Facebook Comments