BAGO | Tatlong local transport network companies, inaasahang papasok sa ride-sharing industry ng bansa ayon sa LTFRB

Manila, Philippines – Inaasahang papasok sa ride-sharing industry ang tatlong local transport network companies.

Kabilang sa mga ito ay ang ‘Lag Go’, ‘Owto’ at ‘Hype’.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, inaatay na lamang nila ang mga ito na makumpleto ang mga requirements na kailangan sa application para sa kanilang accreditation.


Kapag na-accredit na ang mga kumpanya ay maari na nilang simulan ang kanilang operations sa bansa.

Sinabi rin ni Lizada, na makikipagpulong sila ngayong linggo sa ika-apat na interesadong kumpanya na ‘Picar’.

Umaasa si Lizada na sa ikalawang kwarter ng 2018 ay magkakaroon na ng kompitensya ang Grab na kinuha ang operations ng Uber sa buong Southeast Asia.

Facebook Comments