Bagon ng MRT-3 malapit sa Guadalupe station northbound, nagliyab

Lumiyab ang isang bagon ng tren ng MRT-3 sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Station northbound sa lungsod ng Makati.

Ayon sa pamunuan ng railway system, dakong alas-9:12 kagabi nangyari ang insidente.

Agad namang pinababa ang mga pasahero na nasa loob ng tren kung saan nagtamo lamang ng pitong minor injuries matapos tumalon ang tatlong kababaihan at 4 kalalakihan palabas ng tren.


Ipinaliwanag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na ang bagon na lumiyab ay luma na at hindi sumailalim sa general overhaul.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging mitsa ng sunog.

Facebook Comments