Manila, Philippines – Umusok at bahagyang nagliyab ang bagon ng Metro Rail Transit sa northbound track sa pagitan ng Cubao at Kamuning station kaninang alas 10:20 ng umaga.
Ayon kay PO1 Paul Hason Torres, sinenyasan niya ang operator na itigil ang tren matapos niyang makita ang makapal na usok sa bagon.
Agad namang pinababa ang mga pasahero at pansamantalang nagpatupad ng provisional service.
Alas 11:10 nang magbalik normal ang operasyon ng MRT.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy.
Facebook Comments