Pormal na binuksan kahapon, Pebrero 25, ang 3-storey, 6-classroom school building sa T. Ayson Rosario Elementary School, sa Brgy. Calmay, Dagupan City.
Isa ito sa mga natapos nang ipatayong gusali pang edukasyon sa Dagupan City ngayong taon.
Dinaluhan ang pagpapasinaya ng mga kawani ng edukasyon at opisyal ng mga paaralan mula sa ilang barangay sa lungsod.
Bukod sa pasilidad, mayroon ding bagong lamesa at upuan para sa mga mag-aaral at guro. Ang bawat silid-aralan.
Noong Pebrero 24, matatandaang inilahad ang pagpapatayo ng isa pang 3-storey, 6-classroom building sa Salisay Elementary School na inaasahang lalagyang ng air-conditioner.
Inaasahan na ang mga bagong pasilidad ay mapapabuti ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral at sa performance ng mga guro sa naturang paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










