BAGONG ACOSTA HALL NG NVPPO, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng ribbon-cutting at unveiling of marker ang Police Regional Office 2 (PRO2) para sa bagong Acosta Hall ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) .

Ang nasabing gusali na pinondohan ng mahigit P2.4 galing sa mga fundraising at donations ay magsisilbing conference hall at command activities ng mga Novo Cops.

Pinuri naman ni Police Brigadier General (PBGen) Christopher Birung ang inisyatibang pagpapatayo ng bagong Acosta Hall at binigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga Novo Vizcayanos.


Bukod dito, nagpaalala rin si PBGen Birung tungkol sa tapat at malinis na operasyon maging ang laging pagsasa-alang-alang ng karapatang pantao sa kabila ng paglaban sa kriminalidad.

Facebook Comments