Bumuo ng isang action information ang Korte Suprema para tumanggap ng mga reklamo laban sa mga kurap na mga hukom, fiscal at mga empleyado ng korte.
Sa Memorandum Order 72-2024 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, hinihikayat ang publiko na iparating sa kanila ang mga impormasyon ng mga hindi kanais-nais na gawain ng mga empleyado ng Supreme Court.
Kabilang sa mga tatanggapin reklamo at impormasyon ng SC ay ang mga huwes at emoleyado na tumatanggap ng regalo tulad ng pera at anumang bagay kapalit ng paborableng desisyon para sa isang kaso.
Aniya, sa ganitong paraan ay mapapatawan ng parusa ang mga kurap na hukom kung saan umaasa siya na maglalabas ng patas na desisyon sa usapin ng pagpapatupad ng batas.
Sianbi ng chief justice na maaaring ipadala ang mga impormasyon sa integrity@judiciary.gov.ph at ito ay agad matatanggap ng Ethics Committee ng Supreme Court na pinamumunuan niya mismo kasama si Senior Associate Justice Marvic Leonen bilang Vice Chairperson.
Tiniyak naman ng SC na mananatiling confidential ang impormasyon ng sinumang nais magsusumbong at bibigyan pa nila ito ng kaukulang seguridad.