Bagong administrasyon ng Procurement Service ng DBM nag-isyu ng suspensyon ng pagbili ng mga non-common use supplies and equipment

Nag-isyu ng suspensyon ang bagong administration ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa pagbili ng non-common use supplies and equipment (NCSE).

Ayon kay PS-DBM Executive Director Dennis Santiago, effective immediately ang inisyung suspension order.

Ibig sabihin aniya nito ay hindi na muna tatangap ang PS-DBM nang anumang requests para sa NCSE procurement.


Sinabi ni Santiago na tatapusin na lamang muna nila ang on-going procurement ng mga non-CSE hanggang sa makumpleto, pero pagkatapos nito ay lahat ng procurement ng non-CSE ay ititigil muna.

Ang PS-DBM ay centralized procurement ng common use supplies and equipment o CSE para sa buong gobyerno.

Sila ay bumibili partikular ng essential items para sa day-to-day operations ng mga government agencies gaya ng ballpens, papel, stapler, paper clips, folders at iba pa.

Matatandaang nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng PS-DBM sa 2.4 bilyong halaga ng mga outdated laptops para sa Department of Education (DepEd).

Facebook Comments