Bagong administrator ng Land Registration Authority, itinalaga

Manila, Philippines – Mayroon nang bagong administrador ang Land Registration Authorith o LRA na isang attached agency ng Department of Justice.

Ito ay sa katauhan ni Atty. Renato Bermajo na itinalaga sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 10, batay na rin sa appointment paper na natanggap ng DOJ mula sa MalacaƱang.

Si Bermejo ang pumalit kay dating LRA Administrator Eulalio Diaz the third na dating kaklase sa Ateneo De Manila University ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Ang LRA ay ang ahensyang nag-iisyu ng mga registration at certificates of title at register documents, patents at iba pang mga transaksyon na may kinalaman sa lupa.
DZXL558

Facebook Comments