Walang balasahan na inaasahan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana, makaraang isagawa ang kanyang unang Command Conference at matapos na pormal na manungkulan simula nitong nakaraang Huwebes.
Ayon kay Gen. Sobejana, kontento siya sa trabaho ng kanyang mga commanders at lahat ay maayos na nagpi-perform.
Aniya magkakaroon lang ng review ng accomplishments at mga pagkakamali para matukoy ang mga “best practices” at matuto ng “lessons” mula sa mga ito.
Samantala, bakante pa rin ang posisyon ng Philippine Army Commanding General na iniwan ni Sobejana matapos itong italagang AFP Chief.
Inaasahan na magkakaroon ng pag-galaw sa mga senior military officials sa oras na may ma-promote bilang bagong Philippine Army Chief.