Itutuon ng bagong Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Lt. Gen. Felimon Santos Jr. sa kanyang pag-upo sa pwesto epektibo sa January 5 na tapusin ang Local Communist Armed Conflict sa bansa.
Ayon kay Santos, gagawin niya ito sa pamamagitan ng ipinatutupad na Executive Order 070 na ang paraan ay whole government approach para matutukan na matigil ang communist insurgency sa Pilipinas.
Habang itutuloy lamang daw ni Santos sa kanyang pag-upo bilang Chief of Staff ang mga ipinatutupad na polisiya ng gobyerno patungkol sa isyu sa West Philippine Sea.
Si Santos ay kasalukuyang Commander ng Eastern Mindanao Command na nakabase sa Davao City.
Simula January 2019 nang italaga siya sa posisyon at inutusang tutukan ang paglaban sa communist rebels sa Davao; SOCCSARGEN at CARAGA regions.
Pero bago naging Commander ng EASTMINCOM, naging commander si Santos ng Philippine Army 7th Infantry Division, sa Central Luzon sa Fort Ramon Magsaysay Nueva Ecija.