Bagong AFP Chief of Staff, wala pang napagpipiliian – Malakanyang

Manila, Philippines – Wala pang napipili ang Malakanyang na papalit kay outgoing Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Gen. Eduardo Año.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – hinihintay ng pangulo ang listahan ng mga pangalan na irerekomenda ng AFP Board of Generals na papalit kay Año.

Umaasa aniya ang palasyo ma magiging maayos ang paglipat ni Año sa Department of Interior and Local Government (DILG).


Sabi ni Abella – gusto ng Pangulong Rodrigo Duterte na umupo si Año sa nasabing ahensya sa Hunyo a-dos.
DZXL558

Facebook Comments