Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi na kailangang magtatag ng bagong ahensyang mangangasiwa sa pagtugon sa mga kalamidad at sakuna.
Tingin ni Robredo, ang paglikha lamang ng bagyong ahensya ay makakadagdag lamang ng lebel ng bureaucracy.
Para sa Bise Presidente, isa sa mga hamon pagdating sa pagtugon sa mga kalamidad ay may kanya-kanyang trabaho ang iba’t ibang ahensya kaya mahirap i-harmonize ang mga polisiya.
Bagamat hindi siya kontra sa pagtatatag sa panukalang Department of Disaster Response, sinabi ni Robredo na kailangan itong masusing pag-aralan kung kinakailangan talaga ito.
Punto niya, mayroon nang mga ahensyang nakatutok sa disaster response tulad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD).