Bagong alert level sa Metro Manila, iaanunsyo ngayong weekend

Iaanunsyo ng Malakanyang ngayong weekend ang magiging COVID-19 alert level status ng National Capital Region (NCR) simula Marso.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at General Manager Romando Artes, si acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mag-aanunsyo ng magiging alert level sa NCR.

May mga pagbabago rin aniya sa metrics o sukatan para ibaba sa Alert Level 1 ang isang lugar kung saan ipatutupad ang mga ito kahit pa sa mga lugar na nasa labas ng NCR.


Samantala, pag-uusapan pa ng technical working group ang mga posibleng restrictions sa ilalim ng Alert Level 1 bago isumite sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments