Bagong Alyansang Makabayan, magsasagawa ng rally sa SONA ni P-Duterte

Manila, Philippines – Kung sa unang SONA ni President Rodrigo Duterte ay rally ng pag-suporta ang ginawa ng mga militanteng grupo, kabaliktaran naman ngayon ang ikinakasang pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan.

Sinabi ni Renato reyes, Secretary general ng Bayan na may paghamon at paniningil ang tema ng gagawin nilang rally sa Hulyo a beinte kuatro.

Bilang patikim,nagsimula na kahapon ang mga serye ng rally ng Militanteng grupo.


Nangalampag ang grupong Kadamay sa Mendiola at may tumatakbong kampuhan ang mga manggagawang galing Southern Mindanao sa harap ng DOLE.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments