Bagong ambassador ng Pilipinas sa Indonesia, pormal nang naitalaga sa pwesto

Pormal nang naitalaga sa pwesto ang ambassador ng Pilipinas sa Indonesia.

Ito ay sa katauhan ni Ambassador Gina Jamoralin kung saan iprinisinta niya ang kanyang credentials kay President Joko Widodo.

Kabilang din sa mga prayoridad na programa ni Ambassador Jamoralin ang pagpapatupad ng nilagdaang 2022-2027 Indonesia-Philippines Plan of Action.


Pinaghahandaan din ng Philippine Embassy sa Indonesia ang pagdiriwang ng ika-75 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Indonesia sa susunod na taon.

Facebook Comments