Bagong ambassador ng Thailand, mainit na tinanggap ni PRRD kahapon

Manila, Philippines – Mainit ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong ambassador ng Thailand sa Malacañan kahapon.

Binati ng Pangulong Duterte si Thai Ambassador Vasin Ruangprateepsaeng sa kanyang bagong assignment sa Pilipinas at tinanggap ang kanyang credentials.

Dagdag pa ng Pangulo – hindi rin magiging mahirap para sa bagong ambassador ang pananatili sa bansa lalo na at parehas ang hangarin ng Pilipinas at Thailand na magkaroon ng mapayapang Southeast Pacific Region.


Una nang iginiit ng Palasyo na nagtatrabaho pa rin ang Pangulo habang malayo sa mata ng publiko.

Facebook Comments