Bagong ambassador sa Saudi Arabia, itinalaga

Manila, Philippines – Pormal nang nanungkulan bilang Philippine Ambassador to the Kingdom of Saudi Arabia si Adnan Alonto.

Si Alonto ay dumating sa Riyadh nuong Nov 15 kasama ang kanyang maybahay kung saan mainit silang sinalubong ng mga kawani ng embahada.

Agad din itong nakipag pulong sa mga opisyal ng Embassy at sinabing prayoridad nila ang kapakanan ng ating mga kababayan sa Saudi.


Nangako din itong palalakasin pa ang ugnayan at samahan ng dalawang bansa.

Sa ngayon tinatayang nasa 700,000 mga pinoy ang nagttrabaho at naninirahan sa Saudi.

Si Ambassador Alonto ay nagtapos ng Political Science sa Mindanao State University at gmgraduate din bilang abugado sa San Beda College nuong 1985.

Naglingkod din si Alonto bilang overall North America Coordinator nuong 2016 elections para kay Pangulong Rodrigo Duterte.c

Facebook Comments