Bagong Anti-Smuggling Law, magbibigay ng abot-kayang pagkain at mataas na kita sa local farmers sa bansa

Kumpyansa si Senate President Chiz Escudero na ang bagong batas ng Anti-Smuggling Law ay magreresulta sa abot-kayang presyo ng pagkain at dagdag na kita para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ayon kay Escudero, ang pagsasabatas sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ay malaking hakbang tungo sa pagpapatupad ng pamahalaan na makapag-hatid ng murang pagkain sa bawat tahanan bukod sa layuning bigyan ng ngipin ang mga pagsisikap ng gobyerno na tugisin ang smugglers bansa.

Sa batas na ito, tiwala si Escudero na mas maraming Pilipino na ang magkakaroon ng access sa mura at masusustansyang pagkain.


Naniniwala naman si Senator Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Food and Agriculture, na magkakaroon na ng watchdog sa agricultural sector sa pamamagitan ng itatatag din na Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na siyang magbabantay laban sa mga magmamanipula ng presyo ng mga produktong agrikultura.

Sa ilalim ng batas ay mahaharap sa mas mabigat na parusa ang agricultural smugglers, hoarders, profiteers, cartels at financiers ng krimeng ito at ituturing itong economic sabotage.

Facebook Comments