Bagong anyo ng pork barrel, tinatawag na “allocable” ayon kay Senator Ping Lacson

Ibinulgar ni Senate President Pro-Tempore Ping Lacson na “allocable” na ang bagong tawag at bagong anyo ng “pork barrel”.

Ipinunto ni Lacson na sa kanilang pagsusuri sa 2025 national budget ay mailalarawan itong “corrupt to the core” o sukdulan ang katiwalian.

Ngayon lamang niya narinig ang allocable at sa kanilang pagsilip sa budget ay maituturing na pork barrel ito.

Tinukoy ng senador na ang mga allocable ay nasa National Expenditure Program (NEP) at nagbibigay-puwang para pondohan ang mga proyekto bago pa man ito matukoy.

Puna ni Lacson, dapat ay mayroon munang items o proyekto na manggagaling sa Regional Development Council bago paglaanan ng pondo, pero sa kaso ng mga allocables ay nauuna pa ang pondo at saka pa lamang hahanapan ng items sa NEP.

Pinatitiyak ni Lacson sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na salaing mabuti ang mga proyektong isasama sa NEP at tiyaking mga lehitimo at planadong proyekto ang mapaglalaanan ng pondo sa 2026 budget.

Facebook Comments