BAGONG ASPALTO NA KALSADA SA BANTAYAN RILES, SAN FABIAN, AGAD UMANONG NASIRA

Malalaking butas na nakatago sa naiipong baha ang isang problema ngayon ng mga motorista at residente sa Brgy. Bantayan Riles, San Fabian matapos umanong masira agad ang bagong aspaltong kalsada.

Dahilan nito, ininspeksyon ng Provincial Engineering Office (PEO) ang naturang daan.

Sa kanilang pagsusuri, nadiskubre ang nasirang bagong aspalto na kalsada dahil sa nakatenggang tubig sa daan na sanhi ng baradong kanal at non-working na drainage.

Natukoy din na posibleng maulit ang pagkasira ng daan kapag inaspalto ulit nang hindi inaayos ang drainage kaya mainam umano bilang long-term solution ang sabay na rehabilitasyon ng canal at kalsada ngunit wala pa umanong pondo para rito.

Dahil dito, pansamantalang tinambakan ang malalaking lubak upang maiwasan ang aksidente kasabay ng paglilinis sa daluyan ng tubig upang hindi umapaw sa daan.

Ayon sa kinatawan ng Provincial Board sa bayan, tatapusin muna ang program of work para malaman ang kakailanganin pondo sa proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments