Lingayen, Pangasinan – Governor Amado I. Espino III pinangunahan ang pagpapasinaya sa Abong na Dayew, itinayo ang pinakabagong atraksyon sa loob ng Capitol Complex sa April 5.
Isa sa mga pinakamataas na naglilingkod ng ika 438th Agew na Pangasinan (Pangasinan Founding Date), ang gobernador ay sumali kasama ang Bise Gobernador Jose Ferdinand Z. Calimlim, Jr. at ilang mga miyembro ng board, Karina P. Espino ang First Lady ng Pangasinan at kasama pa rito ang ilang mga special guests na sina 2nd District Representative Leopoldo N. Bataoil, 4th District Representative Christopher De Venecia, mayors, vice mayors at mga ilang local na opisyales at heads ng iba’t ibang agencies at marami pang iba.
Tinawag bilang “Little Sister of the Urduja House,” ang pinakabagong atraksiyon ng Capitol ay itinayo upang ilagay an mga katibayan ng kahusayan ng local na pamahalaan na nalikom sa probinsiya ng ilang taon sa iba’t ibang mga larangan ng pagsisikap tulad ng Agrikultura, kapaligiran, turismo, mga serbisyong pang-trabaho, pamamahala sa pananalapi at iba pa.
Kasama pa rito ang Philippine-Japanese architecture, ang halaga ng gusali ay P7.8 million na may kabuuang lugar na 388.07 sq.m., nagmula ang pondo nito sa Department of the Interior at Local Government sa pamamagitan ng Performance Challenge Fund na may halagang P4 million na ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan para sa matagumpay na pagdaan ng 2016 Seal of Good Local Governance. Ang P3.8 million ay kasama sa inilalaan ng pamahalaang panlalawigan galing sa development fund.
Dahil dito, si Gov. Espino ay nagpapasalamat sa lahat ng Pangasinenses at isiniwalat niya ang bawat tagumpay ng bagong administrasiyon ay nakamit ang resulta ng matatag na pundasiyon na pinasimulan ng kanyang ama at tagapagturo, dating gobernador at ngayong 5th district Representative Amado T. Espino, Jr. Isiniwalat niya lahat ng tagumpay ng pamahalaang panlalawigan at inialay niya sa lahat ng tao sa Pangasinan.
Dagdag pa rito na ang Provincial Tourism at Cultural Affairs Officer na si Ma. Luisa A. Elduayan ay sinabi na ang Abong na Dayew ay hindi lamang nagsisilbing turismo ngunit nagsisilbi din itong site for academic ventures.
Sinabi niya na ang struktura ay bukas sa lahat ng publiko sa pamamagitan ng Hall of Fame Exhibit na ipinapakita ng iba’t ibang awards, recognitions, at citations conferred sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamamahala ng administrasyon ng Espino.
Kaya naman ang pangalawang palapag ng gusali ay eklusibong nakalaan sa mga Pangasinan provincial board kung saan ang pinakamataas at mga nagawa ng Sangguniang Panlalawigan mula sa taong 1991.
Ang interactive electronic system ay nakalagay sa isang lugar. Ito ay maaring gamitin ng sinuman may gustong pagaralan ang mahalagang bahagi ng batas kung saan ipinasa at naaprobahan ng dating walong SP, kasama pa rito ang bagong board.
Si Rev. Fr. Hernan Caronongan ay pinangasiwaang pagblessing sa bagong gusali.
Based on PR of PIO / Photos by MVS, BFS, JZP