Hindi pa tuluyang mawawala sa kalsada ang jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.
Dumating na kasi sa bansa ang bagong-bagong na Aero dynamics airconditioned jumbo jeepney.
Ayon kay Ronaldo Salunga, President & CEO ng CMW Philippines Inc., may sampung units na ang dumating sa bansa at ito aniya ang sagot sa kinapapanabikan ng Pilipino.
Hindi naman kasi modernize jeepney ang naunang dumating sa bansa sa ilalim ng PUV modernization.
Ngayon ay tunay na jeep na nabihisan ng maganda at disenyong Pilipino.
Ang class 3 ng unit na ito ay may 26 seating capacity, double tire at Mercedes Benz ang makina at transmission differential at may warranty na 200 thousand kilometers.
Sertipikado ito ng international engineers safety standard dahil ang nag-manufacture nito ay isa sa pinakamalaking manufacturing ng sasakyan sa buong mundo.