Manila, Philippines – Bumili ang gobyerno ng pitong bagong train sets sa Indonesia para sa Philippine National Railways (PNR).
Ito ay matapos lumagda ng kasunduan ang PNR at ang Indonesian state-owned company na PT Industri Kereta Api (PT Inka) para sa supply, delivery, testing at commissioning ng three diesel hydraulic locomotive (DHL) train sets na nagkakahalaga ng 26 million dollars o 1.3 billion pesos.
Kasama rin sa kasunduan ang apat na Diesel Multiple Unit (DMU) train sets na nagkakahalaga ng 21.4 million dollars o 1.12 billion pesos.
Ayon kay PNR General Manager Jun Magno, ito ang unang pagkakataon sa loob ng 40 taon na nakabili muli ng mga bagong bagon.
Ani Magno, ang PNR ay mayroong 11 train sets na nag-seserbisyo sa 50,000 hanggang 70,000 pasahero kada araw.
Ang pagbili ng mga bagong bagon ay pinondohan sa ilalim ng general appropriations act of 2018 kung saan binigyan ng 3.5 billion pesos na budget ang PNR ngayong taon.