Sinimulan na ngayong araw, August 25, 2020, ang bagong barangay schedule sa Pasig Mega Market.
Sa bagong schedule, mula sa 10 ay gagawin ng 15 barangay kada araw ang maaaring pumasok sa palengke para mamili.
Isasara naman ang Mega Market tuwing Lunes para sa pagdi-disinfect at paglilinis nito.
Ayon sa Pasig City Government, ang pagpapatupad ng bagong barangay schedule ay alinsunod sa Executive Order no. 46, S. 2020.
Kasunod nito, pinaaalalahanan naman ang lahat na magdala ng ID bilang patunay na sila ay residente ng mga barangay na naka-schedule sa araw ng kanilang pagpunta.
Ipinatutupad din ang mas mahigpit na social distancing measures sa Mega Market para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao sa anumang parte ng palengke.
Hiwalay ang entrance at exit sa palengke.
May nagsusuri ng body temperature at kinakailangan nakasuot ng face mask at face shields ang mga mamimili.