Manila Philippines – Umapela si Senator Nancy Binay sa bangko sentral ng pilipinas na magsagawa ng Public Information Drive sa bagong mga barya tulad ng 5 peso coin.
Ayon kay Binay, ito ay para magkaroon ng familiarization ang publiko lalo na ang mga maliliit na hanapbuhay o negosyo sa bagong barya lalo pa`t nakakalito at halos walang pinagkaiba ang piso sa limang pisong barya.
Hiniling ni Binay na gawin ang Public Information Drive sa loob ng apat na buwan at huwag munang i-isyu ang mga bagong barya.
Pinayuhan ng Senadora na maglagay ng mga posters sa lahat ng tindahan, tricycle, bus terminals, palengke, supermarkets, karinderya, jeepneys, canteens, vending machines at sa lahat ng mga business establishments.
Sinabi pa ng senadora na malaki ang epekto ng mga bagong barya na maaaring ikalugi ng isang negosyo dahil nakakalito ang pagbabayad at pagbibigay ng sukli bunsod nang pare-pareho ang itsura at laki ng mga barya.
BAGONG BARYA | 4 na buwan na public information drive, hiniling ni Senator Binay
Facebook Comments