BAGONG BARYA | BSP, nanindigang kailangang ilabas ang mga bagong disenyong 5 pisong barya

Manila, Philippines – Nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas kailangan ng ilabas ang bagong disensyo limang pisong barya.

Paliwanag ng BSP, marami kasi sa mga Pinoy ang iniipon ang barya sa mga alkansya kung kaya’t mayroong artificial shortage ng limang piso.

Una nang nagkaroon ng kalituhan sa publiko ang bagong disenyo ng limang piso dahil halos magkaparehas ito sa pisong barya.


Sabi ng BSP, pinag-aaralang mabuti ng kanilang eksperto ang disenyong ito.

Pero kabilang sa mga dahilan kaya mas maliit at mas manipis ang bagong piso ay mas makakatipid ang gobyerno dito.

Sa Enero 2018, maglalabas ng bagong disensyo ng piso, sampung piso at 25 centavos ang BSP.

Facebook Comments