Inaatasan ng Santo Papa ang lahat ng diyosesis sa buong mundo na magsagawa ng isang “public and accessible” system kung saan maaaring i-report ang sexual abuse sa simbahang Katoliko.
Ang hakbang ng Santo Papa ay kasunod ng inilabas na rule laban sa sexual abuse.
Ang bagong batas na ito ay magbibigay din ng proteksyon sa mga whistle-blower patungkol sa sexual abuse na nagaganap sa kahit anong simbahan at sisiguraduhin na mananatiling confidential ang kanilang pagkakakilanlan.
Sinigurado rin ni Pope Francis na magsasagawa rin ng preliminary investigation ang simbahan kung ang akusado ay isang bishop, cardinal o religious superior.
Ito na umano ang pinakabagong hakbang ng Santo Papa upang tumugon sa hindi matapos-tapos na usapin patungkol sa pagdami ng sexual abuse cases sa loob ng simbahan.