Pinalagan ngayon ng LGBT community, maging ang United Nations (UN) ang bagong batas na parusang kamatayan sa mga mapapatunayang guilty sa homosexual sex sa Brunei.
Kasunod ng pagkondena sa bagong batas, umapela si UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa gobyerno ng Brunei na tigilan na ang pilit na pagpapatupad nito ng brutal na parusa.
Dagdag naman ng Asian LGBT Rights Coalition na ASEAN Sogie Caucus na nagdulot umano ng takot sa LGBT community ang bagong batas na ito sa bansa.
Una ng nagpahayag ng pag-boycott si Hollywood George Clooney sa lahat ng hotels na konektado sa Brunei, na agad namang nakakuha ng maraming suporta mula sa iba pang Hollywood celebrities.
Kung matatandaan, ipapatupad na ng Brunei ang mas mahigpit nitong batas kung saan babatuhin hanggang sa mamatay sa mga mapatutunayang guilty sa homosexual sex.