Muling ipinaalala ng Department of Education (DepEd) ang bagong batayan sa suspensyon ng klase na inilabas ni Secretary Sonny Angara bilang kapalit sa patakaran na ipinatupad noong panahon ni dating Secretary VP Sara Duterte.
Sa bagong guidelines, kung walang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS), rainfall warning mula sa PAGASA ang susundin. Sa Yellow Warning, walang automatic suspension at LGU ang magpapasya. Sa Orange Warning, dapat agad magsuspinde ang School Heads mula preschool hanggang Grade 12. Sa Red Warning, automatic ang suspension sa lahat ng antas.
Kapag may pasok na at biglang tumaas ang babala, responsibilidad ng paaralan ang kaligtasan ng mga estudyante at hindi agad sila pauuwiin kung delikado.
Hinimok ng DepEd ang publiko na hintayin ang opisyal na anunsyo ng LGU o paaralan sa mga ganitong sitwasyon upang maiwasan ang kalituhan.
Samantala, ilang bayan at lungsod sa Pangasinan ang nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









