Bagong benepisyo sa COVID-19 testing, aprubado na

Inaprubahan na ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bagong pakete para sa COVID-19 testing bilang tugon sa pagdami ng aprubadong test kits at pagdami ng mga accredited testing laboratories na nagsasagawa ng SARS-CoV-2 testing sa bansa.

Ang bagong testing package ay ang mga sumusunod:

 

Kondisyon sa pagbabayad Amount
Lahat ng testing services ay binili at ipinagkaloob ng testing laboratory Php 3409
Ang test kits ay donated sa testing laboratory Php 2077
Ang test kits ay donated sa testing laboratory; ang pagpapatakbo sa laboratoryo at RT-PCR machine ay kasama sa badyet nila. Php 901

 

Ayon pa sa PhilHealth, sakop ng bagong pakete ang lahat ng kailangang serbisyo tulad ng clinical assessment, specimen collection, specimen transport at mga gamit gaya ng PPEs at test kits.

Maglalabas naman ang PhilHealth ng kaukulang Circular para sa buong detalye nito.

Facebook Comments