Isinagawa ang isang inspection sa bagong Biling Dredging Machine o Amphibious Excavator ng lokal na pamahalaan ng Infanta.
Nagtungo ang ilang miyembro ng bids and awards committee, inspection team at Agos river Dredging Plan TWG sa Purok Cardona, Brgy. Ilog na siyang nag-inspeksyon sa nasabing heavy equipment.
Nagkakahalaga ng humigit-kumulang 13 milyong piso ang makinarya na pinondohan ng LGU sa 20% Economic Development Fund (EDF).
Ang dredging machine na ito ay malaki ang maitutulong na mapabilis ang paghuhukay na isinasagawa para lumalim ang ilog agos at maiwasan ang mga pagbabaha tuwing panahon ng kabagyuhan o malakas na pag-ulan.
Ayon rin sa pakikipag-ugnayan ng LGU Infanta sa DPWH – Bureau of Equipment, ang LGU ay may malaking kontribusyon sa katagumpayan ng dredging activity sa ilog agos.
Hindi lamang sa paghuhukay sa bahagi ng siko ng Agos river sa Banugao-Pilaway area gagamitin ang nasabing equipment kundi pati na rin sa rivermouth o Sabangan ng Brgy. Pinaglapatan – Boboin area nang sa gayon ay maging maayos ang daloy ng tubig ng agos patungo sa karagatan. | ifmnews
Facebook Comments