Bagong biling gamit ng PNP na aabot sa 3.9 bilyong piso binendisyuna ngayong umaga

Binendisyunan ang 3.9 bilyong pisong halaga ng mga bagong biling gamit ng Philippine National Police o PNP sa transformation oval sa Camp Crame.

Ang mga bagong gamit ay bahagi ng capability enhancement program ng PNP at pinangunahan ni PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa ang seremonya.

Ang mga bagong biling gamit ay kinanabilangan ng mga bagong sasakyan katulad ng isang Bell 429 helicopter na pareho ng unang chopper ng PNP, 2 Airbus H125 helicopter, 2 R44 training helicopter, 21 EOD patrol vehicles at 34 na utility truck para sa mga regional mobile force battalion.


May mga bagong armas rin na binubuo ng 2001 taurus 9mm, 6353 Tisas 9mm, 10,000 canik 9mm pistola, 21,952 galil 5,56 assault rifle, 1677 K2C1 assault rifle, 205 K3 light sub machinegun, At 8 Negev 5,56 light machine gun at 141 Negev 7.62 machine gun.

Kasama din sa mga bagong gamit ang 51 drones at 7924 na combat enhanced helmets.

Sinabi ni Gamboa na dahil sa mga bagong biling combat enhanced helmets ay mababawasan na ang mga pulis na namamatay dahil sa tama ng bala sa ulo sa mga police operations.

Ipinagmalaki ni Gamboa na dahil sa metikulosong bidding process, napababa ang presyo ng galil assault rifles mula sa orihinal na presyong mahigit 60 Libo, sa mahigit 40 libong piso nalang.piso nalang.

Facebook Comments