Bagong BuCor Chief Gerald Bantag, dumating sa DOJ

190

Nag-courtesy call kay Justice Secretary Menardo Guevarra si bagong Bureau of Corrections o BuCor Director General Gerald Bantag.

Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, “itinital meeting” ang ginawa nina Guevarra at Bantag sa DOJ main office sa Padre Faura sa Maynila.


Nilinaw naman ni Perete na hindi pa nakakapanumpa si Bantag dahil kailangan niya munang kumpletuhin ang lahat ng requirements bago maging epektibo ang kanyang designation.

Hindi naman nagpa-unlak ng panayam sa media si Bantag, na mabilis ding umalis mula sa tanggapan ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Papalitan ni Bantag ang sinibak na BuCor Chief Nicanor Faeldon matapos mabunyag ang sinasabing katiwalian sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance Law.

Facebook Comments

From Advertisers