Manila, Philippines – 39 na dating adik ang nagtapos ngayon ng anim na buwang rehabilitation program sa ilalim ng programang “sagip buhay, sagip pangarap ng manila treatment rehabilitation center”.
Dahil dito, muling iginiit ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang determinasyon na puksain ang iligal na droga sa lungsod ng Maynila.
Mismong si Estrada ang nag-abot ng Certificate of Completion sa unang batch ng mga dating nalulong sa iligal na droga.
Kasabay nito, hinimok ni Estrada ang mga kabataan na mamuhay ng malusog at iwasan ang ipinagbabawal na gamot.
Muli ring iginiit ni Estrada na suportado niya ang kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ay seryosong suliranin ng estado sa mga kabataan.
Facebook Comments